Sunday, December 2, 2018

Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata

Related image
Mahirap maging isang propesyonal. Totoong walang madaling  propesyon dito sa mundo subalit may mas hihigit pa ba sa propesyong pagiging isang magulang?  

Ang pagiging isang magulang ay ang pinakamahirap sa lahat ng karera sa mundo. Pinaplano ng karamihan ang pagsalang sa hamong ito ngunit minsan, sadyang  binibigay ito ng pagkakataon nang hindi pa napapanahon sa ibang tao. Bilang mga magulang, responsibilad nila ang tamang pag-aaruga sa kanilang mga anak sa mabuti o maging sa  pinakamasaklap na panahon.

Kinakailangan ang magkatuwang na pwersa ng nanay at tatay upang mapalaking mabuti ang ang anak. Ito'y  nangangahulugang dapat maglaan ng sapat na oras at panahon ang dalawang magulang para sa bata. Nararapat na magsimula  sa tahanan ang tamang edukasyon, asal at disiplina upang maging mabuti at kapakipakinabang na mamamayan ang mga bata.

Kung ang isang bata ay lalaking disiplinado at maprinsipyo, tiyak na siya ay magiging inspirasyon at magiging marangal na ehemplo sa iba kaya napakalaking papel ang ginagampanan ng responsableng paggiging magulang. Nakabatay sa tamang pag-aaruga ang  kaunlaran at kahihinatnan ng isang bansa.


REFERENCES:
https://brainly.ph/question/1863227
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwjIl6Lirc7fAhXMPI8KHc6iAIsQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fcwc.gov.ph%2Fcareers%2F2-uncategorised.html%3Flayout%3D&psig=AOvVaw3hCYH_DGFJ6dC4y-SEitrs&ust=1546493012653232