“Bagong teknolohiya sa makabagong panahon; gamitin ito ng wasto at naaayon para sa ikabubuti ng lahat.”
Ginawa at inimbento ang bagong teknolohiya upang mapadali ang pakikipag-ugnayan ng bawat tao, kahit saang lupalop pa ito ng mundo. Napapadali nito ang paggalaw ng bawat tao, mapa-personal man o kahit sa negosyo. Ngunit sa kalakaran ngayon, maaaring may mga iba na inaabuso ang makabagong teknolohiya at ginagamit ito upang manira ng kapwa. Huwag sana natin hayaan na lamunin tayong mga tao ng mga kasangkapang mga tao rin naman ang gumawa.
Napakalaking papel ang ginagampanan ng gadgets sa pang-araw-araw na buhay ng makabagong tao. Napakarami ng nagagawa ng computers ngayon, at halos lahat yata ng gawain ay mayroon nang paglahok ng smartphones.
Ngunit sa kabila ng maraming kabutihang naidudulot ng gadgets sa ating buhay, kapag hindi sila ginamit sa tama, nagiging dahilan din ang paggamit nito upang maging magkalayo ang mga tao. May mga pag-aaral ding nagsasabi na nagiging sanhi ang mga ito ng pagbabago sa pag-uugali ng mga tao at ilang mga sakit din.
Kaya naman mahalaga ang mapanuring paggamit ng gadgets. Sa ganitong paraan, napapakinabangan natin ang magagandang naidudulot ng gadgets. Nagiging daluyan din ito ng maganda at mapagkalingang ugnayan sa pamilya at kapwa, sa halip na ito ay maging dahilan ng pagkakawatak-watak.
REFERENCES:
https://brainly.ph/question/1899918
https://brainly.ph/question/1901015
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwj66p2Irc7fAhXMro8KHcD_BDYQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Ffilipinoblog161.wordpress.com%2F2017%2F06%2F30%2Fang-kahalagahan-ng-teknolohiya-sa-pag-aaral%2F&psig=AOvVaw1xGfMWuPlVVlLXggx5aX8R&ust=1546492845559677
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwj66p2Irc7fAhXMro8KHcD_BDYQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Ffilipinoblog161.wordpress.com%2F2017%2F06%2F30%2Fang-kahalagahan-ng-teknolohiya-sa-pag-aaral%2F&psig=AOvVaw1xGfMWuPlVVlLXggx5aX8R&ust=1546492845559677