Agosto,
ang buwan ng pagdiriwang ng Wikang Pambansa. Ito ay taunang ginagawa upang
bibigyang pugay at halaga ang pagkakaroon ng iisang wikang nagbubuklod sa lahat
ng mga Pilipino hindi lamang dito sa bansa ngunit maging saanmang sulok ng
mundo. Bagama’t malakas ang hatak ng pagbabago sanhi ng napakabilis na
modernisasyon, ang paggamit ng sariling wika ay lalong binigyang diin nang
mapagtibay ang pagkakakilanlan ng ating lahi.
"Pinagtibay ng Kalupunan ng mga
Komisyoner ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 18-24 na nagpapahayag na ang tema ng
Buwan ng Wika para sa taong 2018 ay "Filipino: Wika ng Saliksik."
"Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha sa pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at matematika."

Ang mga layunin sa pagdiriwang ng “Buwan ng Wika” ngayong taon:
·Ang Ganap na Pagpapatupad ng Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041 S. 1997. Ipinatupad ito ng dating Presidenteng si Fidel V. Ramos na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa.
·Upang hikayatin ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at pribadong sector na maging bahagi ng mga programa na nagdaragdag ng kamalayan sa lipunan at sa sariling wika.
·Ipakita ang kahalagahan ng pambansang wika sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa lahat ng mga aktibidad na may kaugnayan sa “Buwan ng Wika”

Hindi lingid sa ating kaalaman, ang dagliang
pagbabago ng napakaraming bagay sa mundo, kaya napakalaking hamon ang
pagsasagawa ng pananaliksik at ito ay isinusulong upang magkaroon ng matibay na
basehan sa pagsagawa ng mga bagay-bagay, pagpapatupad ng layunin at paghusga ng
isang pangyayari.
Ang paggamit ng sariling wika bilang mga Pilipino ay higit na
nakabubuti sa pagpapaunlad ng ating kaalaman sa pamamagitan ng pananaliksik.
Ang paghahatid ng detalye at kaisipang bunga nito ay magiging kapaki-pakinabang
kapag ito ay nailahad sa wikang Filipino.
REFERENCES:
http://www.davaocatholicherald.com/2018/07/ang-filipino-wika-ng-saliksik/
https://www.thesummitexpress.com/2018/07/buwan-ng-wika-2018-theme-official-memo-poster-sample-slogan.html
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwjoy7bP5NjcAhXCx7wKHU2cDLEQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fwww.affordablecebu.com%2Fbuwan-ng-wika-theme-tema&psig=AOvVaw2t-Mn47UhHbHL6LUgtuooZ&ust=1533657249383045
kay ganda ng iyong artikulo:)
ReplyDeletegood job!
ReplyDeleteNAPAKAHUSAY!
ReplyDeleteMagaling! napakaganda ng artikulong iyong ginawa
ReplyDelete